Gusto ko (Outer Space Studio Version) ft. Nitram, Tohbee, Em$ & Casea Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Gusto ko gusto kong tulungan ang sarili
Oh diyos ko oh diyos ko ang hirap na mamili
Di ko to ginusto pero dito nawili
Alam kong nasa huli ang pagsisi
Planoy sigurado
Palihim ginagawa to
Di na kabado kahit na dehado
Palagi na kalmado
Kasama ang grupo
Sa mga maling gawi nagbago
Laging positibo neva negatibo
Di na yon na mababago
Sa salamin nakaharap at kinakausap ngayon sarili
Na abutin lahat pangarap ng di nagbabakasakali
Kahit akala ko pa dati di na tutubo mga binhi
At di na rin matatama yung mga nagawang mali
Kaya ngayon ay nagbabawi
Kahit pa na minsan ay sawi
Sulit ang bawat sandali
Wag kalang na magmadali
Kahit malayo pa ang byahe tuloy wag kana mag inarte
Di kailangan puro amba dapat marunong umatake
Daming gusto patunayan
Di lang basta lumalaban
Nakaraan di na hahalikan
Di magbabago lang papalitan
Manipis man ang tatawiran
Para sarili mahigitan
Di kana dapat na magtaka
Walang pinagkaiba
Nailakad lang ang paa
At hinanap ng magisa
Ang mga dapat ko na gawin
Ang mga sugat titiisin
Habang pangarap aabutin
Kahit andaming nakatingin
Wag mo na muna abalahin
Ang langit dadamahin
Kahit mataas liliparin
Di puro sabi tutuparin
Mga dala di magagaan
Kahit nadapa di nag alangan
Kahit alanganin at medyo kapos
Mga tinik na tumagos
Kada giba saken patapon
Kada problema saken baon
Kasama ang team focus sa dream
Ano man sakit di na dadamahin
Hindi malolose palagi na win
Kada problema buburahin
May umalis man o dumating
Sisid parang pating
Tuloy lang aabutin
Pangarap susungkitin
Diretso lang ang tingin
Hanggang sa makatikim
Walang balak na maitim
Ambisyon ay sasagarin
Sabi nila malabo daw na ito ay aking magawa
Kaya ngayon hanggang tingin nalang sila at tulala
Sakin sumabay wag sa ihip ng hangin
Pangarap sisirin kahit ang daming pating
Kasama team ganon padin pinuyat ang dream
Ng mataimtim tulog mahimbing sa kwago hinambing
Takip sa huli pag meron ng chaching
Magpapaliyab hanap ka match
Pangit sugal kapag walang catch
Wala tong deal kung walang cash
Sobra kong chill sandal sa couch
Lalong aangat pag pilit binaba
Inubos tinta't di na nagpahinga
Alam ko ngayon nakumbinsi kana
Sa laki ng layunin wag na magtaka
No fake bros no hoes oras di sasayangin
Hanggang may mapala ju just face in my ghost
Alam kong papalarin di lang basta tyaga
La ng baka sakali
Lintik kung lumagare
Mga pagod napapawi
Pag bagong kanta ay nayayare
Daming bagong laban
Punta kung saan man
Yung lugar kung san walang may alam ng aking pangalan
Daming mithiin
Pano ko aabutin di ko pansin
Mga munting nakatingin nandyan parin at
Nakamasid saakin
Mga maling gawain
La kong balak na unahin
Kung bunga nyan di pagkain
Focus sa goal unahin sarili ng
Higit pa sa iba uh hanggang sa masabi nila
Na yalien pre iba ka
Hindi arogante pero mayabang ako
Pangako sa sarili na maging illest sa game na to
Ganon parin di nag iba nagbukas ang mga mata
Lalakbayin ng mag isa kahit san pa ako mapunta
Gusto ko gusto kong tulungan ang sarili
Oh diyos ko oh diyos ko ang hirap na mamili
Di ko to ginusto pero dito nawili
Alam kong nasa huli ang pagsisi