Proseso ft. Nitram & El Smiley Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Dami ng nag bago sa aking paligid
Laging may atraso ay yung makikitid
Lahat ay tinaya ko pati ang inipit
Sagad to pamihado at ipipilit
Na gampanan ano man ang aking mga nasimulan
Kung may pangarap ka bakit mo papakawalan
Lahat ay lalampasan lubak lubak man ang daan
Tuloy tuloy sa lakaran puro bigat man ang pasan
Parang lobong nabitawan pag angat di mapigilan
Misan na lang kung gumawa ba't di pa pandiinan
Daming natutunan saking mga mali
Daming pag kukulang kaya ngayon ay nag babawi
Dami ng nag bago sa aking paligid
Laging may atraso ay yung makikitid
Lahat ay tinaya ko pati ang inipit
Sagad to pamihado at ipipilit
Ano man ang pagsubok kayang kaya lampasan
Ibuga na parang usok problema ng gumaan
Pasanin pansinin bitawan na di na kailangan
Ang bukas ay harapin ng merong pinapatunayan
Eto ako ngayon ibang iba na sa kahapon
Planado't sigurado gumalaw ng mahinahon
Lumabas na sa kahon salamat sa panginoon
Dahil nagkaron ng bagong pagkakataon
Andami ng nagbago dito sa paligid ko
Pero kahit ganon hindi pwede na huminto
Tuloy tuloy ang aming kilos walang isinantabe
Kung pera ang gagawin kahit abutin ng gabe
Di nagbabakasakali na baka kayang gawin
Sa halip na magreklamo akin nalang gagawin
Ginawan ng paraan ang buhay para gumaan
Kung walang halong datong ginagawa mo para san