Katamtaman (Outer Space Studio Version) ft. Ev Ad & Tohbee Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Dahan dahan lang di kailangan na magmadali
Katamtaman lang wag kang matakot magkamali
Dami ng nangyare subalit di na bali
Sumatutal ng pangyayare pangarap lang dinadali
Tapos ngayon kita mong malupit na yung tinawag nyo na baguhan
Lahat ay lalagpasan tatalunan la ng pwede pang humadlang
Lapat na sa beat
Grabe umispit
Kada bara lit
Lagi naghihit
Nagmamalupit
Tropa lang ka feat
Sarili binitbit
Paakyat sa peak
La ng ibang gusto pang isama
Ano man ang aking magiging misyon
La ng ibang pero ngayon
Kita mo na ang aking direksyon
Napatanong dapat pa bang unahin yung mga sinabi nila
Daming bulong sa mga tenga lalo pag ako na nagbibida
Kaya ayoko na ng ganto lalo kung nakakabobo
Nanatili saking tono hanggang sa maabot ang trono
Laging ako walang iba na pwede ko na sandalan
Tama ba to yaan mo na kaya ko naman yan na palagan
Lalo lang tong nanggigil dahil gumigera na
Ngayon pa ba ko titigil kung kelan pumipera na? oh diba
Dahan dahan lang di kailangan na magmadali
Katamtaman lang wag kang matakot magkamali
Tuloy lang sa proseso kahit pikit pa aming peso
Nagmistulang daga na negro kakahabol doon sa keso
Madami man lubak sa daraanan di ko niyakyak aming preno
Tulak ng tulak lang saming pangalan hanggang ito ay magkapresyo
Mga suliranin lahat kakayanin ngunguyain na parang kanin
Kahit na madaming inihain na samutsaring mga pain
Dumadami man aming pasanin kalamidad kung susumahin
Alam ko kung sinong hahanapin kapag meron ng aanihin
Dami na laban na sinusubukan bakit ko ba titigilan
Eto ang bagay na kinahiligan kaya dapat pa sipagan
Kita mo kung bakit binabagalan para din sa katagalan
Kita na aming pangalan daming tinago na di malalaman
Dati sawi balik na sa dating gawi daming mali
Kailangan na uli magbawi di naman kailangan magmadali
Wag damahin kung dala mo lagi pighati
Lagi piliting bumangon laging piliing umahon
Wag kalimutang magbaon ng positibo sa hamon
Laging ganado sa bawat hakbang
Madami diyan na lagi nakaabang
Bawasan mo ang dala kung mabigat
Rekta sa byahe namin paangat
Dahan dahan lang di kailangan na magmadali
Katamtaman lang wag kang matakot magkamali
Kaya wag kang matakot magkamali
Di pa huli para ka magbawi
Sa mga labi ibalik ngiti
Buhayin lagi puso mong sawi
Diretso ang tapak sa pupuntahan
Kung merong pahamak iwanan mo yan
Sa bawat paglapat laging tandaan
Pangarap mong hawak wag pakawalan
Diretso ang tapak sa pupuntahan
Kung merong pahamak iwanan mo yan
Sa bawat paglapat laging tandaan
Pangarap mong hawak wag pakawalan pa