Pangako ft. Nitram Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Tutuparin ang aking pangako
Lahat gagawin di pwedeng matalo
Handang lakbayin kahit san mang dako
Aabutin bago maglaho
Naka focus sa ruta diretso aking byahe
Tagal naring bingi sa mga sinasabe
Kung may error di na bale
Sa misyon nakabase
Kahit terror pa nangyare
Yung vision ibang klase
Kada sector ng gusali
May addition sa lagare
Parang vector to yumare
With delusion na kahate
Ngayon alam mo na kung gano ka despicable
Di nila 'ko magalaw na para bang invincible
Iba kase yung principle daig ko pa yung principal
Lahat kayo madudumi na parang dick na tag kupal
Di ko ranas mag utal kada spit ko kase clear
Dahil sick na to sumulat tinawag na severe
Di ko ramdam bawat pagod utak dito nilaan
Walang ibang babalikan limot ko ang nakaraan
Mas maraming paraan kaya wala 'kong dahilan
Para akin pang tigilan ang aking nasimulan
Isa to sa magandang bagay na meron ako
Kung mukhang nagyayabang ito'y munting sermon sayo
Na kung may pangarap ka wag kang tatamad tamad
Lahat dapat hinaharap at wag kang duwag duwag
Para sa hinaharap nang makaluwag luwag
Kase ang dami diyang panggap na nagbubulag bulagan
Nalang palagi sa bagay na gusto nila
Wag na wag mababakante manatiling abala
Tutuparin ang aking pangako
Lahat gagawin di pwedeng matalo
Handang lakbayin kahit san mang dako
Aabutin bago maglaho
Balanse ang galaw sa pangarap ay uhaw
Malabong bumitaw sa plano ko'y di saklaw
Ang sukuan kung ano sa buhay ko gustong mangyare
Merong umalis dumating naman dumami
Araw araw ang upgrade kahit pa na idegrade
Sa mga negatibo di ako papainvade
Mabigat man ang pasan malabo tong tumagilid
Sarili dinaig, utak lagi may dilig
My metamorphosis begins and no one can stop it
Sadness overflows but i can still hold it
Matibay ang loob mukhang mahina panlabas
Hindi to tataob kahit marami pa angkas