Puhon ft. El Smiley Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Nagsimula ito lahat sa isang munting pangarap
Na ang pangalang yalien ay aking mapalaganap
Marinig ang kanta sa buong ka maynilaan
Kapatid halika nang sa ganon ay yong malaman
Na kung may pangarap ka bakit mo papakawalan
Kung mahirap abutin, bat di mo pagtiyagaan?
Kung mahirap sungkitin gawan mo ng paraan
Kailangan mong tanggapin, walang easy na daan
Sinabi sa sarili "ano ba ang gusto mo?"
Kaharap ang salamin nagsusumamo ng husto
Walang ibang hinigitan kundi ang luma kong bersyon
Limot ko na nakaraan 'la na don ang atensyon
Pangarap mataas nakakatawa pakinggan
Ang layo layo pa lalo kung iyong titignan
Pero wala namang mali kung makikinig ka saken
Kasama lang sa gutom ang kasama ko kakain
Mga tunay ko na tropa di nagsawang sumuporta
Sila nagpalakas at nagsilbi na gasolina
Ang dami kong mali lahat ay gusto kong itama
Ngayon nagbabawi at sa sarili nag tiwala
Basta may pangarap ka
Wag na wag mangangamba
Tadhana man ang umamba
Sarili ay masasalba
Rekta sating byahe
La man pamasahe
Minsan napanghinaan din kase
Dami ng sinabe
Mga umatake pero aking tenga ay bingi
Gumapang, nadapa, minata at ginulangan
Nagsilbing motibasyon upang akin pang paghusayan
Talento'y di sinayang lahat to'y pinaghirapan
Balang araw ang pangarap ay maisakatuparan
Kulang pa, hindi pa sapat ang aking ginagawa
Ang palaging sinasabe sa sarili pag nawawala
Ang atensyon sa aking ginagawa
Palagi mo lang tandaan kung bakit ka nagsimula
Basta may pangarap ka
Wag na wag mangangamba
Tadhana man ang umamba
Sarili ay masasalba