KKK (kanya-kanyang kwento) ft. Ev Ad & Owkik Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Kk kataga na sinusulat ko palaging parang sona
Sagad kung lumagari parang walang linyang toda
Mata ay minumulat ko na para bang umaga
Lakas mag pursige akala mo meron pang kota
Andami kong tanong na para bang pag susulit
Kung wala naman datong bakit pa ako uulit
Lakad ng pasulong laktawan ang bawat guhit
Mas lalong nalulong nung naramdaman ang init
Bakit ko ba to ginagawa madaming nagtaka
Sikreto ang sagot simula pa nung umpisa
Samin samin nalang to at saka nga isa pa
Wala akong obligasyon sa nginangawa nila
Hindi nadadalang sipatin kung ano ang akin
Kung sino yung wala di na kaylangan hanapin
At mag pakumbaba pero wag mag paalipin
Mga tanikala ng kahapon ay basagin
Hindi tayo malaya malaki lang ang kulungan
Sa isang daang sagot mas maraming katanungan
Nag usbungan sa kukote ano ba ang totoo
Kung walang nag papaloko walang nag loloko
Hindi sila nandyan para sayo ay sumagep
Tangi nilang trabaho ay bantayan yung may arep
Hindi ko nilalahat pero sapul yung nahagep
Ang butas ay butas kahit pa lagyan ng takep
Tanong mo sa sarili mo sino ba ang yong napili
Kahit di nag turo kitang kita mo sa daliri
Andaming pakulo bumenta lang sa mamimili
Kitang kita yung kumita kase silay nag sisisi
Hindi na nag isip kung ano ba ang uunahin
Sinantabi ang utak kase tyan nyay puro hangin
Dahil sa salapi pumili kahit alanganin
Para lamang sa dalanging ngayong araw may sinaing
Oo totoo problemay merong paraan
Ngunit kung ganyan ang gawaing teka muna paraan
Sobrang daming mahihirap pero di yan dahilan
Ipag palit sambayanan para sa libo at daan
Ganun pala kalakaran bakit pa may botohan
Tatakbo at lalakarin sa ngalan ng upuan
Dami nyang bitbit na pasanin suliranin pasan pasan
Nakikinig sa mga pangakong walang kasiguraduhan
Sigurado ka ba dyan o baka sarado yan
Buksan mo ang iyong isip sinong dapat ang nandyan
Gising sya kung managinip di mo na mapipilit yan
Sadyang mahirap lang gisingin ang nag tutulog tulog
An daming inimbento lumikha
Mga sipsip puso negro negosyoy ambabagra
Kung kahirapan lang ang yaman sobrang dami ng dukha
Kumakapal ang aking pera kasabay aking muka
Kasabay aking muka
Tuloy lang sa byahe kahit tila
Paubos na rin ang apoy dyan sa iyong kandila
Bagyo ng pagsubok di na alam kelan titila
Lalo nat dumadami mga talangkang humihila
Andaming mga tanong nasaan ang kasagutan
Bat ba dami mong tanong yokong makipag sagutan
Problemang naka kahon nilibing di hinayaan
Na sirain pahinain sa laban ng palakasan
Bakit ba andaming pain sa akin inihain
Natutong mag isip dapat utak mo paganahin
Iba pag naging malalim andaming di akalain
Na kahit munting buhangin lang ay kaya kang bulagin
Sinuot sapatos ng iba kaya natuto
Bilang lang sa mga yan ang kasama mo sa dulo
Dami kong natutunan pero di lumaki ulo
Salamat itinanim ko malapit ng maging puno
Mati tikman na din ang bungang tagal kong hinintay ah
Kung madadapa ulit bangon yung kasabay ah
Lumaki sa hirap ah dyan ako sanay
Kayaman koy kukunin pag tapos mag tagumpay
Kaya tyaga lang muna hanggat wala pang napapala rin
Din naman sa dulo sa tala nakatala
Wag mong iisipin yung humihila pababa
Pag may humawak sa paa ay sipain mo sa muka
Sipain mo sa muka