Tsismis Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2025
Lyrics
Psst pansit, alam mo ba? Ang latest scoop and hottest issue
Tungkol sa ibang tao, hindi sa iyo, hindi kailanman sa iyo
Hay buhay, sino naman ang susunod mong biktima
Kaibigan ba o kaaway? Minsan hindi na mahalaga
Tsismis, tsismis ka nang tsismis
Please please, kain na lang ng Cheez Whiz
Tsismis, tsismis ka nang tsismis, tsismis
Hoy kahoy, alam mo ba? Buntis si Ganyan si Ganito
Hindi ka ba nalilito, kapapaikot ng mundo
Tsismis, tsismis ka nang tsismis
Please please, kain na lang ng Cheez Whiz
Tsismis, tsismis ka nang tsismis, tsismis
Wala ka na bang ibang magawa sa buhay mo
Kaya 'yan ang napiling libangan
Marami kang nasasaktan
Tsismis, tsismis ka nang tsismis
Please please, kain na lang ng Cheez Whiz
Tsismis, tsismis ka nang tsismis, tsismis
Tsismis, damputin ang walis
Tsismis, magpalis ng galis
Tsismis, magsumbong sa pulis
Tsismis, tsismis ka nang tsismis
Tsismis, magkaron ng rabies
Please please, alisin ang malice
Tsismis.