![Baguio](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/01/18/df7aa2146c394558b82a14543fd517a8H3000W3000_464_464.jpg)
Baguio Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2025
Lyrics
Lumindol kahapon sa Baguio
Pero walang namatay na tao
Walang natarantang aso
Walang tahanang gumuho
Lumindol kahapon sa Baguio
Pero dito sa loob ko
Nayanig ang dibdib ko
Pagsara mo ng pinto
Walang kasinlamig ngayon sa Baguio
Walang kasinlungkot ngayon sa Baguio
Wala wala wala wala ngayon ngayon ngayon ngayon
Ngayong wala ka na sa tabi ko
Lumindol sa Baguio kahapon
Pero walang nabasag na garapon
Walang naipit na pagong
Walang iuuwi sa kahon
Lumindol sa baguio kahapon
Pero dito hindi doon
Ang puso ko ay nabaon
Di ka na babalik, iyong tugon
Walang kasinlamig ngayon sa Baguio
Walang kasinlungkot ngayon sa Baguio
Wala wala wala wala ngayon ngayon ngayon ngayon
Ngayong wala ka na sa tabi ko