![Diliman](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/01/18/df7aa2146c394558b82a14543fd517a8H3000W3000_464_464.jpg)
Diliman Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2025
Lyrics
Ang lalaki sa bubong
Umaga pa siya naroon
Walang ginagawa
Nakatunganga
Walang problema
Nakakainggit talaga
Ang lalaki sa bubong
Sarili niya ang panahon
Ano'ng tinitingnan
Di ko malalaman
Ako'y kinakabhan
Sa mataas na lunan
Ang dilim sa Diliman
Kay tahimik ng katahimikan
Anong totoo sa katotohanan
Huwag mahulog sa kahulugan
Ang lalaki sa bubong
Bakit ka nga ba tumalon
Nalungkot nabagot
Nalagot sinagot
Lumusot kinurot
Binurot natakot
Ang lalaki sa bubong
Ayaw niya na sa bubong
Dinibdib daw ang krisis ng bayan
Hindi ko siya kaibigan
Maraming nanghihinayang
Di man lang alam ang ngalan
Ang dilim sa Diliman
Kay tahimik ng katahimikan
Anong totoo sa katotohanan
Huwag mahulog sa kahulugan
Tag-ulan na naman
Kumakapit ang lamig sa katawan
Gasgas na ang lahat ng kwento
Paulit-ulit wala nang bago
Marami pa ring hindi nangangawit
Tumingala sa bubong
Bakit ka nga ba hindi sumigaw
Ang dilim sa Diliman
Kay tahimik ng katahimikan
Anong totoo sa katotohanan
Huwag mahulog sa kahulugan
Ang dilim sa Diliman
Kay tahimik ng katahimikan
Anong totoo sa katotohanan
Huwag mahulog
Huwag mahulog
Huwag mahulog
Huwag mahulog
Huwag mahulog
Huwag mahulog
Huwag mahulog
Sa kahulugan
Ang dilim sa Diliman
Ang dilim dilim dilim dilim dilim naman
Lalaki sa bubong
Lalaki sa bubong
Ayaw niya na sa bubong
Ayaw niya na sa bubong