For Adults Only Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2025
Lyrics
Lahat ng hindi ko kailangang malaman, natutunan ko sa pelikulang For Adults Only
Lahat ng hindi ko kailangang malaman, natutunan ko sa pelikulang For Adults Only
Marumi ang pulitiko, pero malinis ang budhi ng puta
Ipokrito ang pari, pero may ginintuang puso ang puta
Nagpapaaral ng kapatid na magpapari ang puta
Namumutiktik sa putang ina at anak ng puta ang malaswang bibig ng puta
Nalululong sa droga ang anak ng puta
Ayaw ng putang ina na ang anak niyang babae'y masadlak sa pagpuputa
Ang unang tikim sa luto ng Diyos ay ipinapatikim ng puta
Bukas ang simbahan kahit madaling-araw para sa puta
Lahat ng hindi ko kailangang malaman, natutunan ko sa pelikulang For Adults Only
Lahat ng hindi ko kailangang malaman, natutunan ko sa pelikulang For Adults Only
Nagbubulungan ang mga manang na nakakasalubong ng puta
Ginahasa ng tiyuhin ang puta kung kaya siya nagputa
Talak ng kahirapan kung kaya nagputa ang puta
Hindi nagpapahalik sa labi ang puta
Kapwa puta ang mga kabarkada ng puta
Magandang lalaki ang nag-aalay ng tapat na pag-ibig sa puta
Masungit na ina ng magandang lalaki ang nag-aalok ng pera para lumayo ang puta
Kung binabaril ang bidang lalaki, yumayakap at tinatamaan ang puta
Tanging kamatayan ang tutubos at magpapatawad sa kaputahan ng puta
Lahat ng hindi ko kailangang malaman, natutunan ko sa pelikulang For Adults Only
Lahat ng hindi ko kailangang malaman, natutunan ko sa pelikulang For Adults Only
Sigaw ng puta
Alam niyo ba ang sigaw ng puta
Ang sigaw ng puta
Pare-pareho naman tayong puta
Pare-pareho naman tayong puta
Lahat ng hindi ko kailangang malaman, natutunan ko sa pelikulang For Adults Only
Pare-pareho naman tayong puta
Lahat ng hindi ko kailangang malaman, natutunan ko sa pelikulang For Adults Only
Pare-pareho naman tayong puta
For Adults Only
Pare-pareho naman tayong puta
For Adults Only
Pare-pareho naman tayong puta
For Adults Only
Pare-pareho naman tayong puta
For Adults Only
Pare-pareho naman tayong puta