![Bitter Words](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/01/18/df7aa2146c394558b82a14543fd517a8H3000W3000_464_464.jpg)
Bitter Words Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2025
Lyrics
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi
Mag-scribble-skribulan halimbawa
"Ang gabi ay pilantod at nangangalantutay
Bugbog-sarado, mga bituin sa malayo
Paroo't parito ang hangin
At ngumangawang parang baka"
Awooo
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi
Labs ko sya
At minsan daw labs nya rin ako
Sa mga gabing tulad nito
Nilalamas ko sya sa aking kandungan
Nilalaplap ko sya sa silong
Ng marvelous na kalangitan
Labs nya ko
At minsan labs ko rin sya
Panong di ko mamahalin
Ang malalaki't bilugan nyang mga mata
Parang pugita
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi
Imagine kong wala sya sa 'kin
Ma-feel kong na-lost ko na sya
Mapakinggan ko ang gabing OA
Mas lalong OA dahil wala sya
At talinhaga ay dumidila
Sa malay tulad ng hamog sa talahib
Ano pa bang meron dyan, Ineng
Kung hindi sya mapapasaakin
Period
Sa malayo, may ngumangawa
Sa malayo
Aburido ang multo ko sa pagkawala nya
At para bagang nandyan lang sya sa tabi-tabi-tabi-tabi
Hinahanap ko pa sya
Hinahanap sya ng puso ko
Kapag wala sya sa tabi ko
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi
Ang gabi ring ito'y nagkukulapol
Ng dirty white sa mga troso
Di na kami ang dating kaming kami
Kaming kami kaming kami
Hindi ko na sya labs, pramis
Pero labs na labs ko sya dati
Hinahagilap ng hininga ko ang hangin
Para bugahan sya
Nilalaplap na sya ng iba
Tulad ng paglaplap ko sa kanya
Ang boses nya, ang seksi nyang wankata
Ang for life nyang mga mata
Oowoo
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi
Hindi ko na sya labs, pramis,
Pero medyo labidabs ko pa rin sya
Maigsi lang ang lovelife ko pero ang makalimot
Sangkatutak na fifty golden years ang inaabot
Dahil sa mga gabing ganito
Milalamas ko sya sa aking kandungan
Aburido ang multo ko sa pagkawala nya
Kahit ito na ang last chance ko para magmaasim
At ito na rin ang huling chuminess ko sa kanya
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi