
Tanda Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
PAYO
Noong ako ay bata pa
Ang buhay ko ay malaya
Kahit ano kayang gawin
Buong mundo'y aking angkin
Yeah heh
Ngayon ako'y matanda na
Lahat nito di na kaya
Naaalala ko tuloy
Iyung payo sa akin
Ng aking ama't ina
Hinay-hinay lang
Bata maaga pa
Kung ako sa iyo
Ay dahan-dahan muna ako
Lasapin, simutin
Ang kabataang iyong angkin
Languyin mo ang karagatan
Akyatin ang bundok na iyan
Paglaki mo huwag madaliin
Pagkat bukas tatanda ka rin
Yeah heh
Ngayong ako ay bata pa
Ang buhay ko ay malaya
Kahit ano kayang gawin
Buong mundo aking angkin
Yeah heh
Bukas ako'y matanda na
Lahat nito di na kaya
Naalala ko tuloy
Iyung payo sa akin
Ng aking ama't ina
Hinay-hinay lang
Bata maaga pa
Kung ako na ito
Mag dahan-dahan muna ako
Lasapin, simutin ang
Kabataang aking angkin
Lalanguyin ko ang karagatan
Aakyatin ang bundok na iyan
Paglaki ko ay huwag madaliin
Pagkat bukas
Ako'y tatanda rin