
Laptop Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2023
Lyrics
Laptop
May ilaw pa kayang nakabukas
Sa silid na iyong kinaroroonan
O laptop mo lang ang may sinag
Sa gitna ng kadiliman
May load ka pa kaya sa celfon mo
Magkano na kaya ang iyong nakonsumo
Libre ba kamo ang internet jan sa inyo
Maliwanag na dito
Sana di na magtagal ang ating
Muling pagkikita sana malapit na
Dahil sadyang mabagal ang ikot
Ng mundo sana ay bumilis na
Ang pagdating mo
May gadget pa kayang mabibili
Anong paraan pa ba ang
Magdudugtong sa atin?
Ngunit iba pa rin
Kapag ika'y nasa piling ko
Ikaw ba'y naka log-in pa?
Sana di na magtagal ang ating
Muling pagsasama sana malapit na
Dahil sadyang mabagal ang ikot ng Mundo
Sana ay bumilis na ang pagdating mo