
Panyolito Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Panyolito
Ba't 'di mo masabi
Nandito lang naman ako
Mahirap sa akin
'Di ko rin masabi sa iyo
Ang bagay na 'di maipaliwanag
Kung kasama ka
Hindi mo ba nasasakyan
O ayaw mo lang
Dumungaw sa akin
Naghihintay na lang ako
Mga bulalakaw at bituin
Nakatanaw sa iyo
Napapaluha mo ang kalawakan
Nang di mo alam
At hahayaan mo na lamang bang ganyan
Tahan na o ha
Ang huling patak ng luha ay pahirin na
Ibig mo pa bang malunod ang
Araw dahil sa iyo
Narito ako
Ang panyolito mo
Nagbabasakaling titila rin ang tag-ulan
Sa apat na sulok ng mundong iyong ginagalawan
Walang tinatanaw na bukas ang lumbay
Huwag magtaka pag sa dilim nangangapa't nag-iisa
May bago nang hangin
Itaas muli iyong layag
Sabayan din ng awit ang matamis na
Ngiti mo at halakhak
Sa bisig ko maduyan at manalig ka
Isipin mo na narito't naghihintay lang ang puso ko
Tahan na o ha
Ang huling patak ng luha ay pahirin na
Ibig mo pa bang malunod ang
Araw dahil sa iyo
Narito ako
Iyong panyo
Tahan na o ha
Ang huling patak ng luha ay pahirin mo na
Ibig mo pa bang malunod ang
Araw dahil sa iyo
Narito ako
Narito ako
Narito ako ang panyolito mo