Buhos Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Unti-unting lumalamig ang simoy ng hangin
Nagbabadyang maya-maya lang uulan na rin
Unti-unting maririnig ang himig sa aking dibdib
Na minsa'y nagdulot ng pag-asa at pag-ibig
Hayan at bumubuhos na alaala ng nakaraan
Nilulunod ang puso kong palaging nag-abang
Ikaw ay hindi lalayo, yan ang huling sinambit mo
Mula noon ay umasa at naghintay ako
Ang bawat patak nitong ulan
Ay paalalang ang lahat ay may hangganan
Katulad ng
Isang pangako mo sa akin
Kahit papaano itong buhos ng langit
Ay siya na ring katumbas mo
Ibinabalik ang araw nang sinabi mong
Di ka lilisan at ika'y nandito lang
O kay bilis ng panahon mula nung tag-araw
Ngayo'y binabagyo ang landas kong naliligaw
Ganunpama'y nananalangin na sana
Ako ay tangayin nitong hangin patungo sa minsang ikaw ay akin
Sino ako upang sa iyo ay magdamdam
Inukit ka ng kalikasan o aking Ulan