Manhid Lyrics
- Genre:Blues
- Year of Release:2023
Lyrics
Manhid
Doon, doon sa banda roon
May sinag ng araw
At mahalimuyak ang pagibig
Di alintana ngayong gabi
Doon, tila hanggang doon
Sa dakong paroon lang
Namamalagi ang isang pagibig
Di namumugad dito sa dilim
Ipaalala mo sa pusong ito
ang tinig ng pagmamahal
taglay ang lunas sa damdaming bingi
akayin itong pipi sa iyong awitin
Imulat mo muli ang puso
sa (tanglaw/ landas) ng nagmamahal
pukawin itong manhid sa kulay ng iyong halaga
Hilamusin ang puwing sa king mata
Nandon, at wala rito
Alab sa damdamin
Pinukaw minsan ng pag-ibig
Di nananahan, kusang sinusupil