
Tadhana Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2023
Lyrics
Tadhana
Kiti-kiting muni-muni
Pusong di mapalagay
Anong tinitibok upang pumirmi
Pasya ay nakaantabay
Paru-parong guni-guni
Isip na manlalakbay
Himpilan ng mga mapagkunwari
Kailan ba magiging tunay
Huwag mong iasa sa takbo ng Tadhana
Tuklasin ang mundo
Tumahak ka
Huwag nang magtago sa tiyak ng Alanganin
Ang buhay ay harapin
Kabu-kabuteng haka-haka
Kamalayang taglay
Nakausbong sa puno ng akala
Anihin na ang may saysay
Huwag mong iako sa gulong ng Tadhana
Tuklasin ang mundo
Mangahas ka
Huwag nang magtago sa tiyak na Alanganin
Ang buhay ay harapin
Ba't kakapit sa silo ng bahala na
Bagtasin ang mundo
Lumaban ka
Wag panghinaan ng loob sa Pagibig
Magmahal at manaig