
Halina magbasa brigada pagbasa Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2022
Lyrics
Sayo nagmula ang lahat ng karunungan
At ikaw ang nagbigay ng liwanag sa isipan
Natutong sumulat, kaalaman ko ay lumawak
Imahinasyon, bokabularyo ko'y pinagyamang ganap
Sa bawat hakbang paakyat ng hagdan
Aklat ang gabay sa aking tagampay
Halina't magbasa, upang matuto ka
Tuklasin ang mga bagay sa bawat pahina
Impormasyon, kaalaman ay matatagpuan
Kaya't ating simulan, ang isip ay buksan, kabataan
Ginising mo ang aking kamalayan
Sa tunay na mundong, aking ginagalawan
Ikaw at ako, ang pag-asa ng bayan
Tayo ang gagawa ng bagong kasaysayan
Sa bawat hakbang paakyat ng hagdan
Aklat ang gabay sa aking tagumpay
Halina't magbasa, upang matuto ka
Tuklasin ang mga bagay sa bawat pahina
Impormasyon, kaalaman ay matatagpuan
Kaya't ating simulan, ang isip ay buksan
Halina't magbasa, upang matuto ka
Tuklasin ang mga bagay sa bawat pahina
Impormasyon, kaalaman ay matatagpuan
Kaya't ating simulan, ang isip ay buksan
Kabataan
Kabataan
Kaya't ating simulan, ang isip ay buksan
Kabataan