Manindigan Sa Ating Karapatan Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2020
Lyrics
Isang pagpupugay para sa mga taong nag alay ng buhay
Hindi sumuko buong puso'ng nagbigay
Nang lakas, nakiangkas, nakibahagi sa pagsulong
Ng mga karapatan ng mamamayan
Ano mang sektor san mang pinagmulan
Isulong ang ating mga karapatan
Lahat kayang kaya, kung sama-sama
Tayo'y manindigan sa ating karapatan
Huwag mabahala, ang Diyos ang bahala
Karapatan dapat, ang maghari sa lahat
Kayang kaya, kung sama-sama
Sumasaludo para sa mga taong naninindigan para sa iba
May kabutihan, bayanihan, kapatiran para sa bayan ni JUAN
Tumutulong, nagmamahal, nagbibigay, inspirasyon
Sa ating lahat
Ano mang sektor, san mang pinagmulan
Isulong ang ating mga karapatan
Lahat kayang kaya, kung sama-sama
Tayo'y manindigan sa ating karapatan
Huwag mabahala, ang Diyos ang bahala
Karapatan dapat, ang maghari sa lahat
Kayang kaya, kung sama-sama
Sino ba dapat na tumulong sa ating kapwa pilipino walang iba
Kundi tayo-tayo rin naman diba
Kapatid, kaibigan, dapat kang makialam
Dapat mong malaman ang iyong karapatan
Manindigan, huwag lang basta magbulag-bulagan
Dapat kapit-bisig, huwag na huwag mo hahayaan
Ang karapatan mo'y tatapakan ng kahit na sino man
Lagi mong tatandaan, sa mata ng Diyos at ng bayan
Tayo'y pantay-pantay lang
Lahat kayang kaya, kung sama-sama
Tayo'y manindigan sa ating karapatan
Huwag mabahala, ang Diyos ang bahala
Karapatan dapat, ang maghari sa lahat
Kayang kaya
Kung sama-sama
Kung sama-sama