
Anuman Ang Sitwasyon, Tuloy Ang Edukasyon Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2020
Lyrics
Ito ang bagong simula
Ang bagong normal
Bagong umagang parating
Ito ang tamang panahon
Upang maghanda sa bagong hamong haharapin
Hindi magbabago ang alab ng pusong tumulong
At ituloy ang ating misyon
Dahil anuman ang sitwasyon
Tuloy ang edukasyon
Walang ma-iiwan
Lahat ay aahon
Sama-sama tulong-tulong
Sa ating pagsulong
Anuman ang sitwasyon
Tuloy ang edukasyon
Tuloy, tuloy, tuloy
Tuloy ang edukasyon
Pilipinas, sa gitna ng pandemya
Tayo ay magsama-sama
Kapatid, kababayan
Dapat kang makialam
Halina at tulungan
Ang ating paaralan
Ipagpatuloy lang natin
Ang ating sinimulan
At sa bawat paghakbang
Paakyat sa pangarap mong hagdan
Ipalaganap ang pag-ibig
At gintong kaalaman
Kahit sarado ang pinto
Huwag tayong huminto
Dahil ang edukasyon
Ay higit pa sa ginto
Katulong ang bawat isa
At pamahalaan
Ang lahat ng ito
Ay malalampasan
Taas noong haharapin
Ang reyalidad
Ating isigaw
Sulong-edukalidad
Sulong-edukalidad
Hindi magbabago ang alab
Ng pusong tumulong
At ituloy ang ating misyon
Dahil ano man ang sitwasyon
Tuloy ang edukasyon
Walang maiiwan
Lahat ay aahon
Sama-sama tulong-tulong
Sa ating pagsulong
Ano man ang sitwasyon
Tuloy ang edukasyon
Dahil ano man ang sitwasyon
Tuloy ang edukasyon
Walang maiiwan
Lahat ay aahon
Sama-sama tulong-tulong
Sa ating pagsulong
Ano man ang sitwasyon
Tuloy ang edukasyon
Tuloy, tuloy, tuloy
Tuloy ang edukasyon