Ambisyon Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Tuloy-tuloy lang sa pangarap huwag kang hihinto
Sipagan ng mahusay ang oras ay ginto
Basta ikaw ay masaya sa iyong ginagawa
At walang tinatapakan na iba diretso lang
Muling nagbabalik sa isip ko ang nagdaang
Mga pangarap ko sa buhay na di ko hinintuan
Bakas ng lumipas kung saan ako namulat
Hakbang na di mabilang at hindi na rin masukat
Dumaang mga balakid sa aking paglalakbay
Tila unos sa pagbayo na sa akin nagpatibay
At hindi magpapapigil ano man ang humamon
Para sa kinabukasan pipilitin kong bumangon
Wag na wag hihinto kung madalas na madapa
Di ito isang hadlang kundi ay isang tanda
Na walang tagumpay ang hindi pinaghirapan
Puno ng galos pasa ngunit tuloy pa rin sa laban
Ng buhay kung saan pinilit abutin
Ang mga pinapangarap magagawa ng pitasin
Ang bunga ng lahat ng aking pagpapawis
Para lang sa ambisyon lahat ay aking tiniis
TULOY TULOY LANG SA PANGARAP HUWAG KANG HIHINTO
Sipagan ng mahusay ang oras ay ginto
Basta ikaw ay masaya sa iyong ginagawa
At walang tinatapakan na iba diretso lang
Diretso lang sa iyong paglalakad
Kahit na mabagal basta umuusad
Pwede kang mapagod pero bawal lang sumuko
Sulit ang iyong hirap pagdating mo na sa dulo
Gaano man kahirap kailangang magsumikap
Upang makamit ang minimithing pangarap
Pinanghihinaan dahil sa mga kutsa
Pipiliting malunok kahit di na masikmura
Ang mga maling puna ukol sa aking pagkatao
Di nyo naman ako kilala kung ano at sino ba ako
Mga nagsasabi na di ko raw makakaya
Umabot na mga pangarap kaya huwag na lang umasa
Mga utak talang ka ba't hindi mawala-wala
Manghahawak sa paa at hahatakin pababa
Gaano man kalalim nila akong hatakin
Hirap man na lumangoy akin pa rin na pipilitin
Makaahon sa mga mabibigat na sitwasyon
Magawa ang mga bagay nang wala ng kondisyon
Maabot ang mga pangarap nang walang limitasyon
Gagawin ko ang lahat para sa aking ambisyon