
BEAUTY QUEEN NG BUHAY KO Lyrics
- Genre:Soul
- Year of Release:2023
Lyrics
O kay sarap pagmasdan ang iyong kagandahan
Sa akin ay bumibighani ng lubusan
Para bang hulog ng langit ang iyong mga ngiti
Nagbibigay pag-asa sa puso kong sawi
Nais lang makita ang ngiti mong kay ganda
Nakita sa iyong mata ang walang hanggan
Beauty queen ng buhay ko
Nais kong mapalapit sa'yo
Beauty queen ng buhay ko
Wala nang hanapin pa
Ikaw lang ang iibigin
Wala nang iba
Sa kadiliman ng gabi
Kasama ka at katabi
Tinitignan ang mga bituin
nagniningning
Nais lang makita ang ngiti mong kay ganda
Beauty queen ng buhay ko
Nais kong mapalapit sa'yo
Beauty queen ng buhay ko
Wala nang hanapin pa
Beauty queen ng buhay ko
Nais kong mapalapit sa'yo
Beauty queen ng buhay ko
Wala nang hanapin pa
Ikaw lang ang iibigin
Wala nang iba