
Dapat Laging Handa Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2020
Lyrics
Kung may lindol, sunog o baha
Dapat laging handa, handa, handa ka na ba
Ang kahandaan sa pagtugon sa sakuna
Tungkulin nang bawat isa
Handa, handa ka na ba
Ikaw at ako tayo
Ay dapat laging handa
Dapat may plano kung may peligrong darating
Wag ka kaba-kaba
Dapat may alam ka rin kung anong dapat mong gawin
Kung lumilindol at ika'y nasa labas
Dun ka sa bakanteng lote upang maging ligtas
Umupo na lang at tumingin sa itaas
Kung may babagsak man, ika'y makakaiwas
Kung nasa bahay man, wag munang lumabas
Maghintay, maghintay
Magkubli sa matibay na bagay
Kung may lindol, sunog o baha
Dapat laging handa, handa, handa ka na ba
Ang kahandaan sa pagtugon sa sakuna
Tungkulin ng bawat isa
Handa, handa ka na ba
Ikaw at ako tayo ay
Dapat laging handa
Maging alerto kung may bagyong paparating
Wag ba bagal-bagal, kaligtasan ay isipin
Kapag lumalakas na ang hangin
Mag ingat sa paggamit ng kandila
Posporo at lighter, ilayo sa mga bata
Magbantay, magbantay
dahil lahat ay pwedeng magdamay
Kung may lindol, sunog o baha
Dapat laging handa, handa, handa ka na ba
Ang kahandaan sa pagtugon sa sakuna
Tungkulin ng bawat isa
Handa, handa ka na ba
Ikaw at ako tayo
Ay dapat laging handa
Ay dapat laging handa
Dapat laging handa
Dapat laging handa