Ang aking kublihan Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2024
Lyrics
Sa tuwing imumulat ko aking mga mata
Hinihiling, umaasa na makapiling na
Nangangarap, na sanay matagpuan ko na
Tunay na pagmamahal ay aking madama
Ang buhay kong puno ng kalungkutan
Palaging nag-iisa, walang nakakapitan
Sa bagyo ng aking buhay walang nasisilungan
Umaasang may tahanang makukublihan
Akala koy wala ng katapusan
Ang paghahanap ko ng makakanlungan
Nariyan Ka lang pala
Naghihintay na tawagan Ka
Nakamasid, laging nakaalalay
Sa aking buhay ay nakaagapay
Nariyan Ka lang pala
Akala ko ako'y nag--iisa
Oh Salamat, ngayo'y batid ko na
Sa paglalakbay may makakasama
Ang aking kublihan
Maraming beses na ako'y umasa
Ngunit nabigo, patuloy nangungulila
Nariyan Ka lang pala
Naghihintay na tawagan Ka
Nakamasid, laging nakaalalay
Sa aking buhay ay nakaagapay
Nariyan Ka lang pala
Akala ko ako'y nag--iisa
Oh Salamat, ngayo'y batid ko na
Sa paglalakbay may makakasama
Ang aking kublihan, Oooooohh
Ang aking kublihan