Angkas na Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2024
Lyrics
Pagsikat ng isang bagong umaga
Panibagong lakbay na ikaw ang kasama
Pagbati ng ngiti mong dala ay pag-asa
Ituloy ang lakbayin na ikaw ang kasama
Lalarga na, babyahe na muli
Upang tunguhin pangarap na minimithi
Mahirap ang daan, marami man ang hadlang
Basta't kasama kita, lahat ay gagaan
Tara na, gayak na kaibigan
Sa paglalakbay ko, ako ay iyong Samahan
Halika na, angkas na sa 'king sasakyan
Tara na, sakay na, ako ay iyong samahan
Sabay nating aabutin mga pangarap
Walang bababa, lakbayin man ay mahirap
Halika na, angkas na, ako'y samahan
Yakap mo sa akin ay iyong higpitan
Huwag na huwag kang bibitiw
Hanggang sa ating marating
Kamtan ang tagumpay sa ating mga mithiin
Sa ating paglalakbay, darating ang takipsilim
Di magiging madali tinatahak na landasin
Sa gitna ng dilim, di tayo maliligaw
Pagka't Angkas kita, aking lakas, ang aking ilaw...
Tara na, gayak na aking mahal
Sa paglalakbay ko, ako ay yong samahan, ooohh
Halika na, angkas na sa 'king sasakyan
Tara na, sakay na, ako ay iyong samahan
Sabay nating aabutin mga pangarap
Walang bababa, lakbayin man ay mahirap
Halika na, angkas na, ako'y samahan
Yakap mo sa akin ay iyong higpitan
Huwag na huwag kang bibitiw
Hanggang sa ating marating
Kamtan ang tagumpay sa ating mga mithiin ohh
Tara na...angkas na. oohhhh