Musikero, Musikera Lyrics
- Genre:Latin music
- Year of Release:2024
Lyrics
Nagsimula ang lahat sa isang letra
Sa tamang sukat, salita ay pinagsama
Sa tinig ng puso, nilapatan ng melodya
Nabuong awitin katulong aking gitara
Ang samahan natin ay parang musika
Layunin, pangarap, pinagtagpi,pinag-isa
Sa mga likhang awit, makatulong sa kapwa
Mga titik ng kanta, maibahagi ay pag-asa- oooooh
Pusong Musikero, Musikera
Mga awitin dala ay pag-asa
Sa pagsubok hindi ka nag-iisa
Pagkat kami ay laging makakasama
Pusong Musikero, Musikera
Gitara, piano, tambol, ang tono'y iisa
Ikaw at ako ...sa hirap at ginhawa
Ano man ang mangyari, laging magkasama
Lumipas man ang ating panahon
Mga likhang awitin, maluluma, maglalaon
Musikero, Musikera patuloy na babangon
Panibagong mga awit, maririnig at uusbong
Pusong Musikero, Musikera
Mga awitin dala ay pag-asa
Sa pagsubok hindi ka nag-iisa
Pagkat kami ay laging makakasama, oooohh
Pusong Musikero, Musikera
Gitara, piano, tambol, ang tono'y iisa
Ikaw at ako ...sa hirap at ginhawa
Ano man ang mangyari, uhh
Laging magkasama