![Batid kong ikaw na nga](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/07/06/7a29da3ad28b4e508fc834ab643595d6_464_464.jpg)
Batid kong ikaw na nga Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2023
Lyrics
Sa Iyong ngiti ako'y nabighani
Di ka maalis sa isip, alaala kang palagi
Ang malambing mong tinig, sa aki'y parang musika
Sa mahinhin mong kilos, ako'y nahalina
Sadyang kay sarap na sariwain
Noong nagsisimula pa lang pagmamahalan natin
Hindi ko maisip at sukat akalain
Na ang isang ako ay iibigin mo rin
Batid kong Ikaw na nga
Ang iibigin ko sa tuwi-twina
Hinding hindi na magbabago pa
Ang pangako ng puso sa iyo
Batid kong sa Iyo na nga
Iaalay ang buhay ko't pagmamahal
Pangakong Kailanma'y di ka iiwan
Pagkat batid, Batid kong ikaw na nga
Marami man hirap na pinagdaraanan
Pangako ko'y sa iyo lamang, anuman ang hadlang
Mga kamay mo ay lagi kong hahawakan
Ako'y kasama mo, ngayon at kailanman
Batid kong Ikaw na nga
Ang iibigin ko sa tuwi-twina
Hinding hindi na magbabago pa
Ang pangako ng puso sa iyo
Batid kong sa Iyo na nga
Iaalay ang buhay ko't pagmamahal
Pangakong Kailanma'y di ka iiwan
Pagkat batid
Pagkat batid
Pagkat batid
Batild kong ikaw na nga