U-Turn Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2023
Lyrics
Ang hirap bitawan iyong mga kamay
Nong tayong dalawa ay naghiwalay
Mabigat sa damdamin na ikaw'y mawawalay
At maglalaho ka na sa aking buhay
Lumipas mga oras at mga araw
Pag-ibig di magbabago sa nag-iisang Ikaw
Pangakong ikaw lamang ang aking ibibigin
Mananatili ka sa puso't damdamin
Ngayong landas natin muling pinagtagpo
Di papayagang muling magkalayo
Yayakapin kitang muli
Magbabalik sa iyong mga labi
Di na mag-iisa laging magkasama
Magkaramay sa hirap at saya
Bubuhayin nating muli
Mga pangarap aabuting muli
Wala ng hahadlang,wala ng iwanan
Ikaw at ako, ngayon, bukas
At magpakailanman
Tadhanda ma'y pilit tayong paghiwalayin
Magbabalik lagi sa iyong piling
Yayakapin kitang muli
Magbabalik sa iyong mga labi
Di na mag-iisa laging magkasama
Magkaramay sa hirap at saya
Bubuhayin nating muli
Mga pangarap aabuting muli
Wala ng hahadlang,wala ng iwanan
Ikaw at ako, ngayon, bukas
At magpakailanman
At magpakailanman
At magpakailanman