Larawan Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2023
Lyrics
Ilang taon na ang lumipas
Mula ng kami ay iniwan
Hanggang ngayon di ka namin
Malilimutan, parang may kulang
Sa buhay ko
Masasayang alaala
Nung pamilya ay buo pa
Bakit ganon? laging tinatanong ng
Isipan, San ba nagkulang
Sa buhay ko
Kung maibabalik ko lamang ang panahon
Wala kong sasayanging pagkakataon
Mga alaala'y di malilimutan
Saya at lungkot nating pinagsamahan
Sa pamamagitan ng mga larawa
Nakikitang muli, Ang yong mga ngiti
Na dati'y di ko napapansin
Ngayon ako sayo'y humihiling
Na sana'y muli kang makapiling
Saka mo lang hahanapin
Kung hindi mo na kapiling
Bakit noon? hindi mo sila
Inalagaan, bakit nagkulang
Sa buhay mo
Mga araw na nasayang
Pangakong binitiwan
Ngayon ay nasaan, Sa isang iglap lang
Biglang naglaho, san ba patungo
Ang buhay ko
Kung maibabalik ko lamang ang panahon
Wala kong sasayanging pagkakataon
Mga alaala'y di malilimutan
Saya at lungkot nating pinagsamahan
Sa pamamagitan ng mga larawan
Nakikitang muli, Ang yong mga ngiti
Na dati'y di ko napapansin
Ngayon ako sayo'y humihiling
Na sana'y muli kang makapiling
Nais ko sanang bangitin
Ang ibig kong sabihin kahit wala na'y
Marinig mo sana
Ang sigaw ng puso ko kung gaano ka minahal
Magpatuloy sa buhay
Dala ang iniwan mong aral
Alalahanin ang saya hindi ang panghihinayang
Hindi ka namin malilimutan
Sa pamamagitan ng mga larawan
Kung maibabalik ko lamang ang panahon
Wala kong sasayanging pagkakataon
Mga alaala'y di malilimutan
Saya at lungkot nating pinagsamahan
Sa pamamagitan ng mga larawan
Nakikitang muli, Ang yong mga ngiti
Na dati'y di ko napapansin
Ngayon ako sayo'y humihiling
Na sana'y muli kang makapiling