Ibang Iba na Ang Kabataan Ngayon Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2024
Lyrics
Dati pagsapit ng dilim
Nasa bahay kana ikaw ay nakasaing
Di na kailangan pang utusan
Gagawin mo pagkat takot mapagalitan
Bakit ngayon inuumaga
Kasa-kasama mga lokong kabarkada
Hindi mo pa mautusan
Kausapin mo lang ika'y sinisimangutan
Kay bilis ng panahon
Ibang iba na ang kabataan ngayon
Luksong baka sipa't sarangola
Mga laro namin noo'y hindi na nakikita
Ngayo'y ibang iba na
Mga batang paslit maririnig mong nagmumura
Sino bang dapat sisihin
Magulang ba o ang kanilang kaibigang tinuturing?
Dahil ba sa nakikitang kalokohan
O sa henerasyon na kanilang kinalakihan
Nagbago na ang panahon
Ibang iba na ang kabataan ngayon
Sa bawat pagikot ng mundo
Bawat minuto'y nagbabago
Di MO maibabalik ang panahon
Wag mong sayangin ang pagkakataon
Sabi ni pepe noon
Kayong mga kabataan
Ang pag-asa ng bayan
Bakit ngayo'y nalululong
Kabataan gumising at bumangon
Ano nang mangyayari ngayon?
Kung Ibang iba na ang kabataan ngayon
Dati sa kanto ang tambayan
Maririnig ang kwentuhan, tawanan at kulitan
Ngayon iba na ang libangan
Maghapon sa telepono nakababad ang usapan
Sa twing lingo nasa simbahan
Humihingi ng tawad sa mga kasalanan
Ngayo'y hindi na napupuntahan
Makakatuntong lang kung may kasalan o binyagan
Binabalik ang panahon
Ibang iba na ang kabataan ngayon
Sa bawat pagikot ng mundo
Dahil sa pera'y nagbabago
Di mo mabibili ang panahon
Wag mong sayangin ang pagkakaon
Sabi ni pepe noon
Kayong mga kabataan
Ang pag-asa ng bayan
Bakit ngayo'y nalululong
Kabataan gumising at bumangon
Ano nang mangyayari ngayon
Kung Ibang iba na ang kabataan ngayon
Sa bawat pagikot ng mundo
Lahat unti unting nagbabago
Dahil sa paniniwala mo
Lahat tayo'y nagtatalo
Sabi ni pepe noon
Kayong mga kabataan
Ang pag-asa ng bayan
Bakit ngayo'y nalululong
Kabataan ang bayan ay iahon
Ano nang mangyayari ngayon
Kung Ibang iba na ang kabataan ngayon
Gising na, tama na
Ano na ba ang nangyayari sa ating bayan?
Awat na, Tigil na
Puro kaguluhan nasan ang kapayapaan
Ibang iba na
Bawat minuto'y nagbabago
Di mo maibabalik ang panahon
Dahil sa pera'y nagbabago
Di mo mabibili ang panahon
Lahat unti unting nagbabago
Dahil sa paniniwala mo
Lahat tayo'y nagtatalo