
Kung Nandito Ka Lang Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2022
Lyrics
Kung nandito ka lang, Sa aking tabi
Wala kong sasayangin, oras ay gugugulin
Sayo pagkat ikaw ay namimiss ko
Kung nandito ka lang, Iyong maririnig
Lahat ng pagsisisi, Mga araw na nasayang
Ngayon ikaw ay laging hinahanap ko
Kahit wala ka na'y
Buhay pa rin ang ating mga ala-ala
Hindi ko man natikman ang karangyaan
Pero tinuro mo sakin ang kahulugan
Na ang bawat tao dito'y may karapatan
Na ang lahat ng bagay ay mayrong katapusan
Masasaya nating alaala
Sa larawan na lang makikita
Kung nandito ka lang iyong madarama
Higpit ng aking yakap na kay tagal mong hinanap
Ngayon ito ay hinahanap hanap ko
Kung nandito ka lang iyong makikita
Na ako'y nahihirapan mula ng iyong iniwan
Pero ito'y pilit na kakayanin ko
Kahit wala ka na'y
Nakatanim pa rin lahat ng yong mga paalala
Hindi ko man natikman ang karangyaan
Pero tinuro mo sakin ang kahulugan
Na ang bawat tao dito'y may karapatan
Na ang lahat ng bagay ay mayrong katapusan
Kung nandito ka lang