Buhay OFW Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2022
Lyrics
Mga paang di ko maihakbang
Pagkat ako'y muling lilisan
Ilang taon muling magtitiis
Mananabik sayong halik
Mga luhang di ko mapigilan
Bawat patak ako'y nasasaktan
Ilang taon muling di makakasama
Hahanapin araw na kapiling ka
Basta pangako mo'y di ka magbabago
Asahan mong ang puso ko'y sayo
Di hadlang ang malayo para tumigil ang mundo
Ang akala ng marami
Mayaman kaming
Mga tinatawag nyong bayani
Tinitiis lahat ng hirap
Pamilya'Y maiangat sa hirap
Sinakripisyo ang lahat
Pero di parin sapat
Hindi titigil tuparin ang pangarap
Resibo lang ang aming naiipon
Pagod at hirap sa buong maghapon
Nakikipagsapalaran sa buhay
Hanggang kailan maglalakbay
Mahal sa buhay aming iniwanan
Uhaw sa yakap ng mga magulang
Pag kami'y dinadalaw ng kalungkutan
Inyong ngiti ang aming kasiyahan
Naalala lang ka pag merong kailangan
Ikaw pang masama pag di napagbigyan
Di lahat ng oras kyo'y aming matutulungan
Ang akala ng marami
Mayaman kaming
Mga tinatawag nyong bayani
Tinitiis lahat ng hirap
Pamilya'Y maiangat sa hirap
Sinakripisyo ang lahat
Pero di parin sapat
Hindi titigil tuparin ang pangarap