Maikling Buhay Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Lahat tayo'y nasasaktan
Lahat tayo'y mawawalan
Mabibilang na lang ang naiiwan
Di pa nagpaparamdam
Lahat tayo'y nagkakamali
Mga pangako'y nababali
Malalaman mo lang sa bandang huli
Saka ka lang magsisisi
Ang buhay ay napakaikli
Bakit mo minamadali
Darating ang oras na ang lahat
Ay gusto mong ibalik
Magpasalamat sa biyayang natatangap
Lahat ng mga nagkasala'y mapatawad
Iparamdam ang pagmamahal sa kapwa mo
Alisin ang galit sa puso mo
Lahat tayo'y nalulungkot
Lahat tayo'y natatakot
Maraming tanong sa ating isipan
Na walang kasagutan
Di lahat nagtatagumpay
Meron din namang sumasablay
Magkaiba man ang tinatahak nating tulay
Sa mata ng dyos tayo'y pantay pantay
Ang buhay ay napakaikli
Bakit mo minamadali
Darating ang araw na ang lahat
Ay gusto mong ibalik
Magpasalamat sa biyayang natatangap
Lahat ng mga nagkasala'y mapatawad
Iparamdam ang pagmamahal sa kapwa mo
Alisin ang inggit sa puso mo
Ang buhay ay pahalagahan
Bakit mo sinasayang
Darating ang araw na ang lahat
Ay yong pagsisisihan
Magpasalamat sa biyayang natatangap
Lahat ng mga nagkasala'y mapatawad
Iparamdam ang pagmamahal sa kapwa mo
Alisin ang galit sa puso mo
Magpasalamat sa biyayang natatangap
Lahat ng mga nagkasala'y mapatawad
Iparamdam ang pagmamahal sa kapwa mo
Pairalin ang pagibig sa puso mo
La la la la la la la la
Darating din ang araw na gusto mong
Hilahin ang panahon pabalik
At yong pagsisihan lahat ng mga nagawang kasalanan