
Ayaw Ko Na Ang Magising ft. Nichole De Leon & Jessie Clemente Lyrics
- Genre:World Music/Folklore
- Year of Release:2022
Lyrics
Noong isang araw
Tayo ay namasyal
Doon sa paraisong
Malapit sa Taal
Magkahawak ng kamay
Tayong naglalakad
At paminsan minsan pa
Tayo'y magka-akbay
Wala tayong pasubali
Tayo ay masaya
Kahit na mayroong pa
Sa atin ay nakakakita
Ating pagyayakapan
Mainit na paghahalikan
Lantad nating ginawa
Walang pakialam
Ngunit bakit ba kaya
Ako ay nagising pa
Lahat ng naranasan
Panaginip lang pala
Balik na naman tayo
Sa magkahating dalawa
Ikinukubli-kubli
Ang ating nadarama
Doon sa paraisong
Malapit sa Taal
Tayo ay maligaya
Walang pakialam
Sana tayo'y magpasyal
Aking dinarasal
Doon sa paraisong
Malapit sa Taal
Ngunit bakit ba kaya
Ako ay nagising pa
Lahat ng naranasan
Panaginip lang pala
Balik na naman tayo
Sa magkahating dalawa
Ikinukubli-kubli
Ang ating nadarama
Ibig ko nang muli pang mahimbing
Upang ang ating paraiso'y marating
Woooh
Ngunit bakit ba kaya
Ako ay nagising pa
Lahat ng naranasan
Panaginip lang pala
Balik na naman tayo
Sa magkahating dalawa
Ikinukubli-kubli
Ang ating nadarama
Ayaw ko na ang magising
Ayaw ko na ang magising