Kapag Puso'y Nagbiro (Alternate Version) ft. Miguel Castro & Mars Cavestany Lyrics
- Genre:World Music/Folklore
- Year of Release:2022
Lyrics
Bakit naman gano'n
Minsan ka lang kung magbiro
Ang daming natutuliro
Lalu na yung maimbot at mapaglaro
Napapakong lahat, mga pinangako
Ibang klaseng dating mo
Nawindang ang aking mundo
Lakas -hampas parang bagyo
Mula sa haplos, nadarang sa 'yong himas
Inakalang yun na nga, hanggang sa wakas
Pag-ibig at tadhana
Mula't sapul bigay todo
Pero pagsapit sa dulo
Nakaaalibadbad, di-maareglo
Kailangan nang lumaya at humayo
Yakapin mo'ng buhay
Sali-salising landasin
Dapat na pakasuriin
Ingat ka, kapag ang puso ang nagbiro
Maging tadhana ay nakikipaglaro
Pag-ibig at tadhana
Mula't sapul bigay todo
Pero pagsapit sa dulo
Nakaaalibadbad, di-maareglo
Pag-ibig at tadhana
Mula't sapul bigay todo
Pero pagsapit sa dulo
Nakaaalibadbad, di-maareglo
Kailangan nang lumaya
Kailangan nang lumaya at humayo