
Luksang Paghihiwalay ft. Miguel Castro & Mars Cavestany Lyrics
- Genre:World Music/Folklore
- Year of Release:2022
Lyrics
Nang ika'y dumating, anaki'y haring magiting
Ginising ang puso kong kay tagal nahimbing
Nung ikaw ay umalis, nasakmal ng daluyong
Unos na dumaragundong, animo'y ulupong
Labas-masok sa'king mundo, una't huling hibik
Nasaid na ako mahal, takot nang matinik
Tag-araw ang tumangkilik, araw-gabing katalik
Di na manunumbalik, ayaw nang tumilamsik
Pag-ibig na tinalikdan
Minsang tinuldukan
Naglarong tadhana muli tayong pinagtambal
Sa ki'y bumubukal pa rin laan sa unang minahal
Para sa iyo, baog nang balon
Di na muling magluluwal
Walang humpay na humahagupit
Ang lisyang tagsibol at tag-araw
Walang sablay ring kumakapit
Sa mga pangarap na di namamanglaw
Walang lumbay na tutugis sa pangungulila
Hanggat ako'y nabubuhay
Humayo ka kung siyang kaligayahan
May ibang sa akin ay aakay
Walang sugat na balantukan
Walang hapding mamamahay