
Sa Ngalan ng Panginoon ft. Faith Rico, Miguel Castro & Mars Cavestany Lyrics
- Genre:Gospel
- Year of Release:2022
Lyrics
Walang dapat ikatakot sa ngalan ng Panginoon
Walang sukat ipangamba kung sa Kanya nakatuon
Humuhupang tigidig ng dibdib, tumatalas ang isip
Napapawing alanganin at balakyot na panaginip
Kayat isukong lahat duda't alanganing di malirip
Pinakadakilang pag-ibig na sakop at lagom ang lahat
Walang bahid ng nagtatalong ngunit, subalit o datapwat
Buo't pawang katotohanan lamang ang isinasambulat
Walang pinipili, di nagkukubli, walang takot magsiwalat
Mga pwersang dalas kinakapitan walang sa Kanya'y binatbat
Akayin Ninyo ako Panginoon nang di tuluyang mabulid
Sa pagdurusa't pagdadalamhating tanging sa impyernong hatid
Minsang nang natuliro, nakipagsabwatan sa mga palalo
Nais kong iluklok Kayo bilang alpha't omega ng buhay ko
Panginoon, heto't dumudulog, sa Inyo
Minsang nang natuliro, nakipagsabwatan sa mga palalo
Nais kong iluklok Kayo bilang alpha't omega ng buhay ko
Panginoon, heto't dumudulog, nagsusumamo sa Inyo
Aaahhh