
Bata Na Panginoon Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Bata na panginoon
Naka maskara ngayon
Umaaning sa kabataang kalibugang kinahon
Kumalakal gamit alon sa balon
Sa liblib sumahod gamit lason
Kinamuhian ka ng galyon
Ano nanamang pinagsasasabi nitong baliw na to? Eto nanaman tayo eh,
Ano yung batang panginoon daw?
Purong kathang isip lang yan siraulong to,
Walang ganon tanga hahahha
Tumabi ka pa sa taong naka maskara
Damitan mo ng magara hala sige pwede na
Nagago mo yung bobo pero wag ako, kita ko mabaho mong motibo sa laro
Nagbebenta ka ng kasalanan Gamit mo ang musika
Mga tenga mong dinagit batang namanipula
Nakakapagtaka tinutukan ka na niya
Nuebe de kalibre na baril ni aristotel
Litaw sa pangil ang sutil
Bata na panginoon
Naka maskara ngayon
Umaaning sa kabataang kalibugang kinahon
Kumalakal gamit alon sa balon
Sa liblib sumahod gamit lason
Kinamuhian ka ng galyon
Ayoko naman na sabihin na walang mapapala
Dami kong sikat na kilala diyaan nagmumula
Kaso tang ina nasa itaas kana bat kapa bumababa
Kasagutan ba ay pera kaya mo ginagawa
Pasubaling paunawa mga bara na tungkol sa droga eabab at salapi
Tandaan masamang mag wawalis kapag gabi
Kaya habang sikat ang araw ikaw ay magmadali
Bakit aalis kana?
Kakatapos mo lang na lumamon
Biglang plano mo'y maglalayas kana
Pwes ako'y magiikot na ng pinggan
Dito saming kainan huling hapunan
Kahit na kaunti ang nakalapag sa hapag
Paguusap ng makatang mga payo ang ambag
Lahat ay malilimbag
Ito'y biyaya mong ituring kontra sa duwag
Mga atabs ileletra sa tableta kontra sa suwag
Bata na panginoon
Naka maskara ngayon
Umaaning sa kabataang kalibugang kinahon
Kumalakal gamit alon sa balon
Sa liblib sumahod gamit lason
Kinamuhian ka ng galyon