
Elehiya Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Elehiya para sa patay pilit umugnay kahit nasa hukay na
Inalay yung talento niyang taglay
Pambali daw ng sungay sa sumusuway
Ito ay pantablay sa lahat ng inakay
Makabagong ama namin sa laro
Sa impyerno na dinayo mga tao may relo
Yun ang oras para sila'y magtino
Sa apoy na posas tiyak lahat ng
Sentido pulido ay luto
Para mahayag ng tanyag yung balitang may agham sa ambag ng siyensya sa baba
Ipaalala sa kristyano na tanga
Ipapakita sa madla yung larawang malala
Ako ma'y natulala sa nakita kong siga
Di kinaya ng sulo
Prehistorikong libro
Sinubukan kong sunugin pagkatao nilahok
Nanalo man tinuring kong mundo yung pagkatalo instrumentong totoo
Elehiya para sa patay pilit umugnay kahit nasa hukay na
Inalay yung talento niyang taglay
Pambali daw ng sungay Sa sumusuway
Ito ay pantablay sa lahat ng inakay
Ako'y hatinig na handog sa binge
Pang alis ng bubog sa nilalakaran mo na marumi
Sa nakakaintinde
Ako ay ilaw sa gabe
At yung kalaban ginarote taliwas sa salapi
Tawagin mo akong baliw yan ang aking ngalan
Kita ko mukha mong naaliw tas nahihirapan
Walang alam na sisiw pero may pinaglalaban
Ingat lumipad jan sa pugad
Pakpak di uusad
Gusto ko din naman
Maranasan mo yung ulap at yumaman ng walang tinatapakan o iniihian
Ingat ka sa nuno lalo na kapag lasing
Mahulasan ka bigla sa nakita mong lake
Elehiya para sa patay pilit umugnay kahit nasa hukay na
Inalay yung talento niyang taglay
Pambali daw ng sungay Sa sumusuway
Ito ay pantablay sa lahat ng inakay
Daming nakikita at naririnig
Mga pipeng dumidila ng puwet kahit may butlig
Kayo'y mainit may sumapaw kaning malamig
Don sa letra nadaig bawat kalat niyang pantig
Ako'y ituring mong kawingan na portal
Mga tanawing alpabeto sigurado sa pasyal
Malamang sila'y taka kasi di ito normal
Mga bara kong espadang pinanday sa gaya mo na animal