
Mag isa Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2023
Lyrics
Mga bumubulong
Sa aking tenga banda kaliwa
Mga dimonyo na gusto akong mapariwara
At sa kanan may mabuti na anghel
Dala ang puting papel at siya ay maniningel
Kung saan ang dapat mong lebel
Eto yung kwento bago ako nagising
Makati mandaluyong nakaposas na binibitbit
Ng mga lalaki na malalaki ang katawan
Walang krimen pero may piitan tong pupuntahan
Sabik sa dami ng mga hinlalaki
Para saking utak na reyalidad ang tumatanggi
Akala ko na tunay
Ang lahat ng konspirasiyang inaral
At ang dami kong sinulat na bawal na materyal
Hindi kinaya ng kokote ko na maliit
Nagpaningas ng siga inakalang dadalhin
Ang libro na sinunog
At kinain ko ang lahat ng mga abo
Mananalaytay sa dugo
Textong prehistoriko
Mga bumubulong saking tenga banda kaliwa
Mga dimonyo na gusto akong mapariwara
At sa kanan may mabuti na anghel
Dala ang puting papel at siya ay maniningel
Kung saan ang dapat mong lebel
Merong apat na kaluluwa siyang sumanib sa akin
Lika pare himayin tara isa isahin
Pasubaling di mo kakayanin to na tuklasin
Tatlong taon ang nagugol para lahat alamin
Mga senyales mga numero
Ako ay nagulat at kinakausap ang sarili ko
May sundalo na tinuring heneral
Jorge Patton kanyang ngalan sa dangal
At meron ding mahiwagang sigarilyo
Sangkaterba na mga tumpok
Kamal ng mga buhok
May akda siya lamang ang tanging salarin
Na bumaril sa eskribano na koronel
Kanyang armas
Nasa tama ang landas kumitil ng may basbas
Mga bumubulong saking tenga banda kaliwa
Mga dimonyo na gusto akong mapariwara
At sa kanan may mabuti na anghel
Dala ang puting papel
At siya ay maniningel kung saan ang dapat mong lebel
May gitarista na siyang nagpakamatay
Banda na binatay sa paraiso ilalagay
Ang pang apat para sa karapat dapat ko ibibigay
Malaman mo ang pakay
Kung bat ako anditong tumutulay