Aurum Fodiens Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Ayoko ng itama tong hinala ko
Maruruming kamay sa paghukay
Ay nahanap ko
Nilaliman mo sa yaman nung malaman ko
Na ang buhay ay may kulay sa pinakay mo
Bahaghari niya na bahay kaagapay mo
Tinitigan mong winasak ang tahanan ko
Pinatahan tinapik ko ang balikat ko
Binulong ko sa sarile iba ang ginto
Alaala na pinuyat ng gabi
Litrato mong madami na palagi kong dala
Kasama sa pangarap
Ibang plano mo pala
Hinuhukay mo sa yaman ang husga
Kapag merong salapi
Mabilis na kotse
At Magarang kamiseta
Malakas daw ang dating
Kapag nanggaling ka ng tate
Sinilip ang sarile
Don sa salamin di ko napansin
Alikabok di ko maalis kahit na linisin
Gamit luha sa pag kumpara
Daming ideyang iniimbak nakalampara
Pasok sa memorya ng makita tesla nikola
Eroplano dinala ko lang sa plano
At Ako'y gamo-gamo na nasunog sa sulo
Nasugatan sa talahib ng damo
Hindi nakita yung bato
Tumayo tinapik ko yung sarile
Nahulasan sa sapak ko sa bungo
Bakit ulo dito na tumungo
Paglabas ay lait ang natamo
Nagtawanan yung payaso
Sa leon... nirespeto yung palo
Maaaring sa ngayon sa sirkero sumunod
Pighating hantayin mo maulol
Pagkat babalik sa hayop ang hinayop saan mang sulok na lupalop
Pag puno na ang salop at natapong iningatan ang bigas mong binayo
Mainit na kanin ang niluwa
Dala ko na ulam
Patalikod mong sinuka
Ayoko ng itama tong hinala ko
Maruruming kamay sa paghukay
Ay nahanap ko
Nilaliman mo sa yaman nung malaman ko
Na ang buhay ay may kulay sa pinakay mo
Bahaghari niya na bahay kaagapay mo
Tinitigan mong winasak ang tahanan ko
Pinatahan tinapik ko ang balikat ko
Binulong ko sa sarile iba ang ginto
Walang trabaho at pangarap lang ang tangi kong dala
Nakatutok ka sa pera
Jan mo ko kinumpara
Panay kahel lang ang lagi kong papel
Dilaw at asul yan ang lagi mong lebel
Iniisip sa marahil
Ako lamang ang inutil
Ambisyon ko sa buhay balak ko na ngang itigil
Pagdududa sa sarile natanong ko lang kung bakit dahil
Na ang puso palaging gigil suwail to sa baril
At sa Ngayon tinuon sa pansarile kong singil
Mga nangmamata sa paligid na humuhusga
Naglilisik at nagalit na namumuna
Kakaunti lang ang aking kayang maipagmalaki
Di batugan na bayag ang pinapalaki
Padre de pamilya na kumpleto at ang ilaw ng tahanan bantay saradong hindi mapupundi
At kapag dumidilim, taimtim sa dasal na palihim
Suliraning malagim kayang kaya kong tapakan
Isang tangi lang ang kaya kong ilaban
Yun ang puso na ramdam, malinamnam kang tinatakam
Laging umiiwas sa haram
Mga dimonyo na takot na umaalam
Kahinaan ko sa buhay ay yung kulay di mapunta lahat to sa hukay
Maitim
Pinipilit ko palagi ilagak to sa puti
Mga labi ng binali ko na sungay nung gabi
Ayoko ng itama tong hinala ko
Maruruming kamay sa paghukay
Ay nahanap ko
Nilaliman mo sa yaman nung malaman ko
Na ang buhay ay may kulay sa pinakay mo
Bahaghari niya na bahay kaagapay mo
Tinitigan mong winasak ang tahanan ko
Pinatahan tinapik ko ang balikat ko
Binulong ko sa sarile iba ang ginto