Inip Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Ilang minuto ang tatakbo
Bago tignan ang iyong relo
Ilang oras na ang lumipas
Pagod na ang alarm clock mo
Ang pagkakataon
Ay 'wag nang palampasin
Ang tamang panahon
Ay 'wag nang hintayin
Ilang araw pa ang dudungaw
Bago ka pa makaramdam
Ilang linggo kang ganito
Hanggang ika'y matauhan
Ang pagkakataon
Ay 'wag nang palampasin
Ang tamang panahon
Ay 'wag nang hintayin
Kinabukasa'y 'wag iasa
Isulat ang sariling 'storya
Kung lagi kang maghihintay
Baka maiwan ka
Ilang buwan ang nagdaan
Gano'n pa rin hanggang ngayon
Ilang taon mababaon
Bago umahon sa balon
(talon!)
Ang pagkakataon
Ay 'wag nang palampasin
Ang oras ay ngayon
kung may gustong gawin
Ang tamang panahon
Ay 'wag nang hintayin