
Bangon Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Sikmura'y kumakalam ngunit walang makain
Nagpapatong-patong lang ang 'yong suliranin
Mayro'ng iniirog ngunit 'di makapiling
Hindi pa natutulog kailangan nang gumising
Ginawa mo na'ng lahat
Ngunit 'di pa rin sapat
'Wag kang titigil, ituloy mo lang
Lumaban kahit na nasasaktan
At pag wala na ang sakit
Bumangon ka ulit
Umibig nang lubusan ngunit laging bigo
Pagod na ang 'yong katawan, pagod pa ang 'yong puso
Ginawa mo na'ng lahat
Ngunit 'di pa rin sapat
'Wag kang titigil, ituloy mo lang
Lumaban kahit na nasasaktan
At pag wala na ang sakit
Bumangon ka ulit
Bumangon ka ulit
Sa dami ng nagaganap
Nakalimutan na ang pangarap
Oh
'Wag kang titigil, ituloy mo lang
Lumaban kahit na nasasaktan
At pag wala na ang sakit
'Wag kang titigil, ituloy mo lang
Labanan ang lahat ng hahadlang
At pag wala na ang sakit
At pag wala na ang sakit
Kahit lalong sumasakit
Bumangon ka ulit