Ewan Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2020
Lyrics
Ewan
Kung saan ako naiwan
Sa gilid ng speaker
Sa tunog ng mic na panay ang feedback
Ayoko ng ingay
Sobrang liwanag ng ilaw
Habang ako'y kumakapa
Ng tipang mali naman ang cifra
Ewan
Kung ano'ng patutunguhan
Tulog ang katawan
Ngunit gising pa ang isipan
Ayoko nang makita
Marinig ang mga lumang linya
Sa agos ng buhay
Si Juan, patuloy sa pakikipaglaban
Sa mga bagay-bagay
Na wala namang kabuhay-buhay
Ewan
Ewan
Kung bakit at ano ang dahilan
Sa paglalagi ko
Sa bilog na bulwagan
Wala namang pera
Gutom palagi ang sikmura
Wala namang napapala
Patuloy pa rin sa paggawa
Ewan
Sobrang ingay sobrang liwanag
Ang pag-asa'y hindi ko maaninag
Lumang linya, ayoko nang makita
Ayoko nang marinig dahil ako'y sawang sawa na
Agos ng buhay, pilit nilalalabanan
Mga bagay-bagay na wala namang kabuluhan
Asan ang pera
Gutom ka pa ren
Ano'ng nangyayari sa daigdig naten
Ayoko ng ingay
Sobrang liwanag ng ilaw
Habang ako'y kumakapa
Ng tipang mali naman ang cifra
Ayoko nang makita
Marinig ang mga lumang linya
Sa agos ng buhay
Si Juan, patuloy sa pakikipaglaban
Sa mga bagay-bagay
Na wala namang kabuhay-buhay
(Wala namang pera)
Gutom palagi ang sikmura
Wala namang napapala
Patuloy pa rin sa paggawa
Ewan
Ewan
Ewan