
Basta Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2019
Lyrics
Paano ka mapapayapa kung sarili mong tinig ay 'di mo marinig
Paano ka magsasalita kung lahat sabay-sabay nagbubukas ng bibig
Paano ka makakakita kung hindi mo man lang mabukas ang 'yong mga mata
Paano ka makakaramdam kung lahat ng hahawakan mo'y walang pakialam
Basta 'wag magdamdam
Ako'y nandito lang
Huwag kang mag-alala, hindi ka iiwan
At sa pagtulog mo, ika'y babantayan
Buksan ang 'yong kamay at aking hahawakan
Heto lang ako
Paano ka magtitiwala kung mismong kaibigan mo ika'y isasangla
Paano ka pa liligaya kung ang minamahal mo'y may mahal pa ring iba
'Wag magdamdam
Ako'y nandito lang
Huwag kang mag-alala, hindi ka iiwan
At sa pagtulog mo, ika'y babantayan
Buksan ang 'yong kamay at aking hahawakan
Heto lang ako
Basta 'wag magdamdam
Ako'y nandito lang
Huwag kang mag-alala, hindi ka iiwan
At sa pagtulog mo, ika'y babantayan
Buksan ang 'yong kamay at aking hahawakan
Huwag kang mag-alala, hindi ka iiwan
At sa pagtulog mo, ika'y babantayan
Buksan ang 'yong kamay at aking hahawakan
Heto lang ako