![Pagkabusog ft. Shaheen & Zend Luke](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/06/08/5f5954a6ea9d4593804bd864d6acb6e5_464_464.jpg)
Pagkabusog ft. Shaheen & Zend Luke Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Magsasawa ata talaga pagdating ng panahon
Hindi pa nga lang maiwanan, turing ko na aso sa paghahabol
At damang sarap sa kada pagharap ng likuran sa akin
Kaso nga lang ay gano'n na rin, kagustuhang siya'y matalikuran
Tao lang ako na malala ang pagkabato
Sa tigas ng ibon kong dumapo sa ibang sanga
Pagkatapos nga siyang maiputan
Malabong kalituhan, kung kaya't napagplanuhan
'Di na nga magkaamuyan
Na sa 'pag kabiyak, mawawasak?
Sa mga siwang dapat maamoy
Bahong nakatago na ang dating gana ko'y naglalaho
Gusto ko na magpakalayo
Dapat na 'kong maglakbay
Titira na sa iba na bahay
Bata nga'y matatabunan kung hindi na nga lang tatayong haligi
At makatatakas na kung patay na ang ilaw ng tahanan
Mababasa'y iba na kabanata ngayon
Sa pagkaulol mo nga'y, mga lawa'y nagkaron
Pinadaloy mula sa 'king kabundukan, parang ilog
Mamangka na sa agos, o aking irog
May bundok na ngang bago na namang kakaingin
Mangunguha ng panggatong ngang gagamitin
Pangahas nga dapat, kaya nakagat
Makamandag nakatarak, nakahanap ng matutuklaw
Lason kumakalat, ang gamot paturok daw
Init sa loob, kayang magpabaga ng kahoy na nasibak
Ulam na nasalang sa mga apoy, nagliyab
Aking nadama'y, gubat nga natupok, kada pagkasunog
Mga kasunod panunuyo ng lupa't
Mga patabang nabubuo, pero bakit nalasahan?
Bago na laman, lupa ang tigang
Dapat na madiligan
Kayang makabuhay pero 'di na dapat taniman
Kung hindi rin aanihin, hindi rin aaminin
Maninira lang, 'di na dapat na gawan
Paghangad ng karagdagang katawan
Una nga na napusuan, nautakan lang
Mababasa'y iba na kabanata ngayon
Sa pagkaulol mo nga'y, mga lawa'y nagkaron
Pinadaloy mula sa 'king kabundukan, parang ilog
Mamangka na sa agos, o aking irog
Impyerno ba ito? Nawa ako'y matuto na
Sa sobrang init, nasunog pati aking kaluluwa
Humiga siya sa kama, sabi "Lukas, Lukas!"
Bukaka na agad, walang hugas, hugas
At biglaang niyapos, ang babae sobrang libog
Maalindog ngunit ako ay 'di niya mapaikot
Habang tumatagal lumalala lang ang kilig
Bakit mas dumidiin ang kagat mo sa aking leeg?
Bumaon ang kaniyang pangil, mayro'ng sugat! Diyos ko po!
'Kala ko birhen, bakit sa akin galing 'yong dugo?
Bituka, atay, apdo, balunbalunan malamang
Doon ka nagutom at 'yon ang tawag ng laman
Walang lihim na pag-ibig pero bakit ganito
Sa kaniya lumalabas lahat ng mga nasa loob ko?
Sa 'king pagkawala, may samot-saring komentaryo
Baka bukas, ulo ko'y nakapaskil sa obituwaryo
Kaya pala
Gusto mo malaman ang aking loob
Husto kong naramdaman, may maling kutob
Talambuhay gagawing buod
Talampunay ka, ako naman bubuyog
Pinakain ng laman, naghanap pa ng dugo!
'Di pa raw puno, kalamnan!
Nangahas na magloko ay naloko rin sa kalaguyo
Kagustuhang makatusok, sa pusok ako rin nalubog
Napala sa pagkatuso 'to, pagkadukot nga sa puso ko!
No'ng ginapang ka'y siya 'yong tinakbuhan
Patikim ng 'yong laman
Subo sa 'kin nang maramdaman
Bituka ko'y iyong maaabot
Maipasok ka, sa 'king loob
No'ng ginapang ka'y siya 'yong tinakbuhan
Patikim ng 'yong laman
Subo sa 'kin nang maramdaman
Bituka ko'y iyong maaabot
Maipasok ka, sa 'king loob