Mirasol ft. Shaheen Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2020
Lyrics
Hanap ka nang hanap dito, 'kala may mapapala
Gubat ang lugar na 'to, bawal ang naggagala
Patanga-tanga ka, baka makagat ka na
Panggap pang mata ng tigre, ika'y katay lamang pala
Tupang kinalbo noon, nagpatubo ng buhok naging leon
Lupa binago pinatubo bundok, laging may onti
Patibong buo ngayon, yari kayong hindi pa rin pala mga tumutugon
Ngayon kayo tuon!
Hindi nila ako, maintindihan, kahit pa, aking tindihan
Ano naman, pinamumukha ko lamang ay 'di niyo na ko makukuha
Gagawa na nga pala ako, malaki na lawa, gamit kanilang mga tumutulong luha
Manlulumo't manlulunod, hindi na nga mananawa
At magagawa niyo lang, mangibabaw, kung kayo lumulutang
Kayo rin naman makukuha, tamang halimbawa
Tutok sa kalakasan
Ilang beses man tapakan
Ang digmaang susuungan
Tanging sarili ang puhunan
Sinag ay sinasalag
Mag-isang pumapalag
Ang pag-asa ko tuwing bukang-liwayway
Hinding-hindi niyo mapapatay
Hindi ako manggagamot, gagaling ka rin naman
Hindi ako magdadamot, ikaw pa rin mabibigyan
Sumasakit aking likod, akala lamang kakasulat 'to
Mali pala ako, sugat to ng tarak sa kutsilyo niyo
Dati 'kong umaaray, ngayon nama'y gamay
Walang duming trabaho pag may lupa ang kamay
Kapag iba naman ang maligaw, ako namann ang gagabay
Hindi ko hahayaang guminaw, di ka pwede mamatay
May hangarin na ako, oo aking ng misyon
Higit pa to sa pera, ginto, malaking mansyon
Tutulong sa ngayon, mga bago 'di mababaon
Kahit pa, napagtulungan na nila ako noon
Bagyo agad akala, yun pala'y mga ambon
Lumalago mga dahon, 'pag nadiligan
Madilim daang, 'di na pwede humadlang
Lakad lang, tandaan, aarawan ka naman
Tutok sa kalakasan
Ilang beses man tapakan
Ang digmaang susuungan
Tanging sarili ang puhunan
Sinag ay sinasalag
Mag-isang pumapalag
Ang pag-asa ko tuwing bukang-liwayway
Hinding-hindi niyo mapapatay