
Sa mundo mo ft. Donnie Sumang Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Sa umaga't sa gabi, ikaw lang ang katabi
Di ako mapakali, sa mundo mo'y nawiwili
Di ko alam ang sasabihin kaya ako'y nag alanganin
Sa taas nananalangin na ikay mapasaakin
Papasukin alanganin tumingin ka lang sa akin
Mabuti'y aaralin masama ay lilimutin
Babaguhin ang lahat ng mga bagay na sablay
Ititigil mga bisyo pati na ang pagkampay
Tatlong bote este apat na lang ang iinumin
Iiwasan ang masasamang pagkain at gawain
Ngumiiti ka lang jaan para may ilaw sa dilim
Iyong mukha'y 'sing ganda ng sandaang takip silim
Pigil hininga ka muna para tyan ay di bumukol
Sa tawanan kinakabag para lang tayong mag utol
Me against the world and dating suntok sa buwan
Parang kanta ni Tupac humaharap sa laban
Ang lahat ay hahamakin ikaw lang ay maging akin
Wag ka lang magtataray at wag ka lamang totopakin
Sa umaga't sa gabi, ikaw lang ang katabi
Di ako mapakali, sa mundo mo'y nawiwili
Di natin kailangang lumayo at maglakbay ng milya milya
Sa sarili mong mundo doon tatabo ang takilya
Kung ang buhay natin ay pelikula ako ang bida
Ikaw ang kaparehang paglalaban sa tuwina
Dumating man ang kalaban dumating man ang halimaw
Paliliitin ko ang higante't igugunaw
Ako ang mandirigma at ikaw aking diwata
Lahat ay gagawin ibat-ibang mga panata
Kung may Popoy ay may Basya I'm your Boy you my Grasya
Lahat isusugal ko matupad lang ang pantasya
You the one like Jet Li matulin like Jet Ski
Nakuha mo agad aking tingin ako' na letchi
You my Final Fantasy and I am your gameboy
Di lalaruin na parang happy meal toy
You're so cute like a bata sila'y walang panama
Pahahalagahan katulad ng isang pamana
Pero ang katotohanan ika'y isang pangarap
Isang panaginip na palaging nasasagap
Gumising na kaya at imulat ang mata
Aking nararamdaman idadaan lang sa kanta
Sa umaga't sa gabi, ikaw lang ang katabi
Di ako mapakali, sa mundo mo'y nawiwili