
Liham sa sarili Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
Isang bagsak sa pangarap para sa larangan
Kahit gaano man kahirap ay tuloy ang laban
Bitbit lang ang sarili mag-isa sa lalakaran
Maski saan sumalang dala aking pangalan
Mas malalim ang baon mas malalim ang ugat
Sagad, tinodo ang sarili sa pagsulat
Nung una ay mahirap simula'y mabagal
Progreso di umusad naharang ng sagabal
Hindi mo malalaman halaga ng isang bagay
Kung di mo susubukan ang talento na inalay
Hinimay isa isa inaral mag-isa
Ganun ang buhay talaga mahirap yan sa umpisa
Nag-aral sa dilim sarili lang ang may akda
Minsan ay tumatakbo, minsan ay nadadapa
Tiningala ang mga idolong kasama sa paglalayag
Hindi man madali pero ito ang aking pahayag
Aking sinabuhay at dinibdib
Walang bukas kung walang kahapon
Respeto sa ngayon at sa lumaon
Ako ay humanga't napabilib
Di mangyayari kung hindi sang-ayon
Sama sama tayo sa ating pagbangon
Andaming dinaanan andaming nilakaran
Andaming sinamahang, mga pinagsaluhan
Aking nilabanan, mga pangungutya
Mga perpektong mga tao na kasing pait ng luya
Sa mundo ay marami ang likas na salbahe
Paliliitin ka para sila ay lumake
Nakakapaso, oy buhusan yan ng tubig
Nakakasawa kanilang ingay nakakatulig
Lumang panahon man o ngayon sa bago
Parehas lang namang may mga ahas nakatago
Ganun pa din naman wala pa ding pinagbago
Turuan ang sarili upang hindi ka magbago
Maabot mo man ligaya pati ang tagumpay
Kung ano sa umpisa ganun pa din sa pagsakay
Lahat ng bagay pag-aralan at dapat na suriin
Makinig sa sasabihin di ko na to uulitin
Oy makinig, huwag ligalig
Piliin mo yung tama, at huwag yung mali
Chorus
Sinabuhay at dinibdib
Walang bukas kung walang kahapon
Respeto sa kasalukuyan at lumaon
Ako ay humanga at napabilib
Di mangyayari kung hindi sang-ayon
Sama sama tayo sa ating pagbangon