
Alakadabra Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
Pagmulat ng mata bote na hawak, sa bakuran sa bakuran
Pagtama ng liwanag hanggang sa tanghalian at hapunan at hapunan
Walang laman ang tyan pero pwedeng lumaklak
Ng alak sinlawak ng batya ang kanyang hawak
Sinlaki ng mucho sinaksak sa nguso
Alak at servesa bakit pa nauso
Maagang nagbukas kapit bahay kong tindahan
Ilang hakbang lamang galing sa aking tahanan
Mang Pedro pabili ng dalawang grande
Mamaya darating ang aking kumpare
Gusto kong magrelax yan ang sabi ni ama
Nanginginig kamay hinahanap ang tama
Kahit tago ni itay kay inay huli din naman
Araw araw siyang lumilipad sa kalawakan
Bubuksan na ba o bubuksan na nga
Wag nang patagalin ibuhos mo na mga
Nananabik lahat ng mga lalamunan
Talu-talo na to kahit na walang pulutan
Simulan mo na at ilabas mo na
Oy Buksan mo na at tara na tumoma
Timplahin mo na yeah at ilagay mo na
Saidin mo na nga at tara na bumomba
Uy gus yun tatay mo gumagapang
Awatin mo na baka hindi na niya kaya
Ayan na sumusuka na sa mesa
Gumugulong na sige pa servesa
Pwede rin ang hard buksan ang double black
Haluan na ng coke, ang alak na si jack
Sabi nga nila, mas mainam na
Magsimulang maaga't makakarami pa
Di naman masama ang sabi ng lasenggo
Sa langit walang beer yan ang laging kinukwento
Di baleng walang lakad basta mayron lang alak
Okay lang sa bahay basta mayrong tropang hatak
Sabi nga nila ba't yung pari mayrong alak
Kung masama ang alak bakit niya yun hawak hawak
Pilosopo na nga kung namimilosopo
Pero masarap nga talaga sa totoo
Sa lamig o sa init tagtuyot o tag ulan
Masarap pakinggan yun patak sa puwitan
Ng baso hiwain na ang lemon ng tequila
Ipahid ang asin sa mga uhaw na dila
Labas ang yelo pati pomelo
Labas ang gin tara bumwelo
Maghapon magdamag ang aming dwelo
Mamaya-maya gumagapang na sa swelo
Simulan mo na, ilabas mo na
Buksan mo na, tara tumoma
Timplahin mo na, ilagay mo na
Saidin mo na, tara bumomba
Labas ang yelo pati pomelo
Labas ang gin tara bumwelo
Maghapon magdamag ang aming dwelo
Mamaya-maya gumagapang na sa swelo